Home » » Pag-ibig Libog at Pagkabalisa 2

Pag-ibig Libog at Pagkabalisa 2


II. Ang nabuong Pagkabalisa
Alas 7 ng gabi ng makarating si George sa bahay, naghahanda ng dinner ang kanyang asawa. Ramdam nya ng pagod sa maghapon pagsasama nila ni Candy. “Gutom na ako hon, matagal pa ba yan” tanong sa asawa. “15 mins” masayang sagot ng asawa. Nagbihis ito at umupo sa sofa at binuksan ang telebisyon. Nasa balita ang bansang Hapon dahil may lindol na naganap kamakailan, bahagya siyang kinabahan, pero iba ang kabog na nasa kanyang dibdib paano kung mabuntis si Candy? Paano kung malaman ng kanyang asawa? napalalim ang kanyang paghinga. Narinig ito ng kanyang asawa.
“Hon whats wrong”
“Wala pagod lang ako” sagot nya.
“Im setting the table would you like to lend a hand?” malanding tugon ng asawa. Tumayo si George humalik sa asawa at tinulungan nya ito. Masaya silang kumain, nagkwentuhan at syempre di nawala ang topic tungkol sa bansang Hapon. Naglaon napunta ang usapan tungkol sa mga talentong Filipino at umukit sa isipan ng kanyang asawa na merong pagkakataong makakakilala si George, nakaramdam ito ng pagkabalisa.
“Hon baka maghanap ka ng iba dun ha” selosang tinig ng asawa. Hindi siya sumagot kundi tumitig sa asawa na nagsasabing ikaw lang ang mahal ko at si Candy. Kinabahan sya baka mahalata ng kanyang asawa na nagbago bigla ang kanyang timpla.
“Ahh hon baka sa katapusan aalis na ako”.
“Ang bilis naman yata” tugon ng asawa na parang kinakabahan maiwanan at baka makahanap si George ng iba, at nadagdagan ang kanyang pagkabalisa.
“Hindi pa yun sure pero yun ang binanggit sa akin ni Candy kanina” at sa unang pagkakataon narinig ng kanyang asawa ang pangalang Candy.
“Sino si Candy” usisa ng asawa.
“Yung clerk sa agency” sagot nito sa medyo kinakabahang boses
“Parang close kayo ha. Maganda ba yun?” usisa ulit. Nagulat si George sa mga tanong ng asawa, hindi nya ito inaasahan. Bakit ganito ang takbo ng isip ng kanyang asawa na parang may alam sa pag-iibigan nila ni Candy. Pinilit niyang ibaling ang usapan sa ibang bagay. Nagtagumpay ito. Lumipas ang gabi na walang nangyari sa kanilang mag-asawa, parehas na mahimbing ang tulog at hindi nakaramdam ng libog. Nagtaka sya sa kanyang sarili bakit parang nag-iba na ang kanyang mundo simula ng dumating sa kanya si Candy at ang kanyang asawa alam nya na may nabuong pagkabalisa dahil sa malapit na pag-alis nito. Hindi mapatanag ang kanyang isip.
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP