Home » , » Zack and Sab ( Original Story ) by TOYANTZ: Prologue

Zack and Sab ( Original Story ) by TOYANTZ: Prologue

Prologue



SUPERTOYANTZ !


"Attention to all passengers. We we're about to land in a few minutes. Please fasten your seatbelt. Kindly check all your belongings.. Welcome to Philippines.. Mabuhay !.." tinig ng babaeng stewardess..

Tila nagising sa malalim na pagkakahimbing si Zack..

Hinimas nya ang sentido gamit ang hintuturo at hinlalaki..

Nagsisimula na namang kumirot ang ulo nya..

Pasimple nyang binuksan ang handcarry bag at kinapa ang maliit na bulsa sa gilid..

Agad nya namang nadampot ang pakay..

Nilabas nya ang isang maliit na botelya.. Binuksan at kumuha ng isang tabletas sabay muling sinara..

Binalik nyang muli ito sa bag ...

May dumaang babaeng attendant..

"Ahm.. Miss.. Can I ask for a glass of water .. Please?.." nakangiting utos ni Zack.

Ngumiti ang magandang attendant..

"Just a minute sir.." malambing na sabi nito.

Ngumiti si Zack..

Nilagay sa dila ang tabletas at sumandal sa headrest ng upuan..

Pinikit ang mga mata.

Ilang saglit lang ay dumating na ang attendant..

"Your water sir.. Anything before we land?.." tanong ng attendant..

Inabot ni Zack ang baso at umuling..

Inisang lagok lang ang lamang tubig sabay abot sa attendant..

"Salamat.." sabi nya..

Di naitago ang gulat sa mukha ng stewardess..

"Pinoy kayo sir?.." gulat nitong bigkas.

Natawa naman si Zack.

"Ofcourse..Di ba halata?.. Ito naman.. Anyway ang ganda mo ah.. Nasa Pilipinas na nga ako.." pang uuto ni Zack sa babae..

Nagblush ang babae..

"Si sir bolero.. Enjoy na lang po sir..Anak nyo po sya?.. She's so cute.." nakangiting sabi ng babae..

Tumango si Zack..

"Salamat din.. Samantha..Sam for short?..Yeah anak ko ito.. Her name is Zabrina.." biro ni Zack..

Natawa ang babae sabay himas sa nametag..

"Si sir malinaw ang mata.. Your right.. Nick ko po ang Sam.. Pero sir taken na po ako.." biro ni Sam..

Duon natawa ng malakas si Zack..

Napailing pa sya..

"Sa ganda mong yan.. Mukhang bata ka pa.. Natural lang.. Anyway.. Swerte ng boyfriend mo.. Can I at least know the name of the lucky guy?.." tanong ni Zack.

Parang napaisip pa ang babae..

"Eric sir !.." biglang banat nito..

Tumango tango si Zack.

"Swerte ni Eric.. Sige.. Salamat.." sabi ni Zack..

Ngumiti ng matamis si Sam..

"Anytime sir.. Enjoy .. Welcome back to Philippines." bati ni Sam..

Nagkangitian sila.. 

Ilang saglit pa ay ibang pasahero naman ang inatupag ni Sam..

Muling napangiti si Zack..

Maganda si Sam.. Swerte ang Eric na yon..

Pero batid nyang maraming nag gagandahang babae na ang nag daan sa buhay nya..

Pero tanging iisang babae lamang ang nagmay ari ng puso nya..

Ang tanging babaeng nagpapatibok at pumapatay sa puso nya at the same time..

Pero lipas na yon..

Tapos na ang mga panahong naging tanga sya..

Babawi sya..

Nagtagis ang mga bagang ni Zack ng maalala ang pakay na paguwi sa Pilipinas..

Umungol ang nasa tabi nya..

May pumulupot na braso sa braso ni Zack..

Agad napalis ang galit sa mukha nya at napalitan ng pagsuyo..

Tiningnan nya ang katabing bata..

"Papa?..Gising ka po?.." nakapikit na tanong ni Zab..

Natawa si Zack sa anak..

"No baby.. Tulog si Papa.." bulong ni Zack..

Napahagikgik ang bata..

"Papa .. Talking while sleeping.. Ang init po Papa.." dumilat si Zab..

Napangiti na lang ang ama..

"It is because where here in the Philippines anak.. It's past 4PM na .. Wake up na.. Tataba ka lalo eh.." pananakot ni Zack..

Agad na nagdilat ang bata at sumimangot sa ama..

"Di ako taba Papa.." nakasimangot na sabi nito..

Ngumiti ang ama..

6 years old pa lang ang anak nya..

Pero matalas ang pag iisip nito..

Inalis ni Zack ang nakakumot na jacket kay Zab..

Naupo ng maayos ang bata..

"Papa may chocoyey pa?.." ungot ni Zab..

Umiling si Zack..

"Wala na baby.. " tanggi nya kahit marami syang dalang tsokolate..

Ayaw nyang masira ang ipin ng anak..

Sumimangot si Zab..

"Papa.. Half pa lang po eat ko eh." reklamo nito..

Ngumisi si Zack at pinakita ang mga ngipin..

"Eat na ni Papa.. " pang aasar nya..

Lalong sumimangot si Zab..

Humalukipkip pa ito at nagnguso..

"Galit ako Papa.." nakangusong sabi ni Zab..

Nanggigil si Zack..

Niyapos ang anak..

"Baby.. Mamaya na lang please?.." lambing ni Zack sa anak..

Nakanguso pa din si Zab pero nangingiti na ito dahil nagsisimula ng halikan ng ama ang parteng kilikili nya..

Di nakapagpigil ang bata kaya sumabog na ito sa tawa..

"Aaaaaahhh... Wag Papa.. Aahahaa..." hiyaw ni Zab..

Nangingiti na lang ang nasa kabilang side na mga pasahero..

"She's so cute.." sabi ng matandang babae..

Napangiti si Zack..Proud sa anak..

"I bet pretty din ang Mom nya.." sabi ng babae..

Natawa ng plastic si Zack..

"Thank you po..Baby sabi ng Lola pretty ka daw.. Anung sasabihin?.." kulit ni Zack sa anak..

Ngumisi ang bata..

"Salamat pow.. " hirap ang batang mag tagalog..

Lalong na cute-an ang matandang babae..

Parang gustong iuwi ang anak nya..

"Attention to all passengers. We we're about to land in a few minutes. Please fasten your seatbelt. Kindly check all your belongings.. Welcome to Philippines.. Mabuhay !.." muling tinig ng babaeng stewardess..

Nginitian ni Zack ang matandang babae..

Inayos nya na ang anak..

Konting gamit lang naman ang dala nya para sa sarili..

Matagal nya ng pinaghandaan ang araw ng pagbabalik nila ng anak dito sa Pilipinas..

Nakabili na sya ng bahay at lupa sa isang sikat na subdivision ..

Sa tulong syempre ng mga kaibigan nya..

Ilang saglit lang ay lumapag na ang eroplano..

Hawak ang isang kamay ni Zab.. 

Dinampot ni Zack ang mga dala nila.

Hinintay na bumaba ang mga pasahero sabay sumunod dito..


"Zack pare !.." biglang may narinig si Zack na tinig..

Pamilyar sa kanya ito .. Hinagilap ng mga mata ang pinanggalingan ng pagtawag sa pangalan nya..Sinuyod nya ang makapal na bilang ng mga taong nag aabang din sa kanilang mga mahal sa buhay..

Nahagip ng mata nya ang apat na binatilyo na nakatuntong sa fence..Sinasaway ang mga ito ng gwardya..

Natawa si Zack pero nanlaki ang mga mata nya at napasigaw na din ng mahagip ng mata ang kaibigan.

"Denzel pare !.. " kumaway si Zack..

Kinarga nya na ang anak..

Nakisingit sa ibang mga taong nag aabang din..

Nakalapit na sya sa kaibigan at nagtapikan sila ng balikat..

"Pare.. Putsa.. Long time no see.. Eto na ba si Zab?.. Yung anak nyo ni.." biglang pinutol ni Zack ang pagsasalita ni Denzel..

Napatango na lang ang kaibigan nya..

"Pare hiyang ka sa America.." segway ni Denzel..

Nagtawanan silang dalawa.

Nakarinig sila ng pito..

Napalingon ang dalawang lalake at nakita nila na may nahuling apat na binatilyo ang dalawang gwardya..

Napatapik sa noo si Denzel.

"Putris na mga batang to.. Walang sawa sa kalokohan !.." inis na sabi ng kaibigan nya..

Napakunot noo si Zack..

Sumitsit si Denzel..

"Psst.. Anak !.. Dito kamo !.." sigaw ni Denzel..

Napatingin sa kanila ang isang binata na hawak sa braso ng isang gwardya..

"Ayun sila Daddy.. Tangna nyo kasi sabing sa gate 1.. Entrance yung tinuturo ni Romeo eh.. Bopols amf.." sabi ng chubby na binata..

Natawa ang mga tao..

Pati ang gwardya napailing..

"Tatay mo ba yon boy?.." tanong nito.

Nagiyakan ang apat na binata..

"Tito Denz.. Ikukulong nila kame .. Heeelpp." sigaw nung isa..

Natawa ang iba..

"Gago anong kasalanan natin?.." tanong ng isa..

"Possession of Handsome Face pare.. Tapos alarming public.. Kasi baka isipin nila Teen Star tayo.. Baka biglang magkagulo.. " sabi ng isang binata..

NAgtawanan ang apat..

Pati mga taong nakakarinig ay di napigilan ang matawa sa pinagsasabi ng apat na binata..

Napailing na lang si Denzel.

Nakalapit na ang mga binata sa kanila..

"Mga sir.. Pasensya na kayo.. Anak ko itong isa.. Tapos mga pamangkin ko yang tatlo.." hinging paumanhin ni Denzel sa mga gwardya..

Tumango ang isang gwardya..

"Sa susunod sir paki rendahan na lang po.. Ang gugulo.. " sabi ng isang gwardya..

Tumango naman ang pangalawa..

"Nahuli naming nakasunod itong anak nyo kasama ang isang ito sa hapon na foreigner.. Tapos tinanong nitong isa kung nagaahit daw ba ng pubic hair ang mga japanese.. Buti na lang kamo sir di sila naiintindihan kungdi baka idemanda itong pamangkin nyo.." inis na sabi ng pangalawang gwardya..

Naghagikgikan ang mga tao sa narinig..

Nagkurutan bigla ang apat na binata..

"Ang landi mo kase.. Dapat binulong mo lang Rom.." sabi nung isa..

Natawa sina Zack at Denzel.

"Pasensya na mga ser.. Nakawala kasi sa kural itong mga ito.. First timers eh.. Sorry.. Sige po ako na bahala sa kanila.." natatawang sabi ni Denzel.

Tumango ang dalawang gwardya..

Binitawan na nila ang apat na binata sabay binantaan ng tingin bago umalis..

"Ang papanget nyo.." bulong nung anak ni Denzel..

Binatukan naman ito ng ama..

"Sira ka talaga.. Anyway pare.. Anak ko.. Si Darius.. Anak ninong mo.." pakilala ng dalawa..

Nanlaki ang mga mata ni Darius..

"Yun mga pare.. Singilan time na.. Ano na po Ninong?.. 17 years old na ako.. Bale 1 thousand per year tapos with interest na 5 percent per year.. Kano yon pareng Aldrin?.." tanong ni Darius..

Nagkwenta naman ng pabiro ang sinabing Aldrin.

"Basta pare singilin mo na lang ng kalahating milyon.. Sarap naman maging ninong nyan.. Pwede Tito, ninong nalang din namin kayo?.." biro ni Aldrin..

Nagtawanan ang dalawang Tatay..

"Mga siraulo nito pare.." biglang banat ni Zack.

Tumango tango si Denzel..

"Naku sinabi mo pa.. Puros virgins naman.. Hala at umuwi na nga muna tayo.. Pare yung bahay mo fully furnished na nga pala.. " sabi ni Denzel..

Napangiti si Zack..

"Salamat talaga pare.. Grabe na ang utang ko sa inyo ng tropa.." taos pusong pasasalamat ni Zack sa kaibigan..

Napailing si Denzel.. Binuksan ang dalang van..

"Wala yon pare.. Hoy mga kutong lupa.. Tulungan nyo nga Tito Zack nyo sa mga dala..Anyway si Zab nga pala yang cute na chikiting.. " pakilala ni Denzel..

Dinumog ng apat na binata ang bata..

Nagtaray naman si Zab..

"Panget.. Panget.. Panget.. Pangeeeettttt.." biglang sigaw ni Zab..

Napakunot noo ang apat na alas..

"Ninong.. Baligtad ata naturo nyo dyan.. " sabi ni Darius..

"Baka Tito malabo mata nyang anak nyo?.." banat ni Romeo..

Binelatan lang sila ng bata.. 

Natawa si Zack.

"Anak .. Mga kuya sila.. Greet kuya Darius.. " utos ni Zack..

Sumimangot si Zab..

"Uya Dawyus?.." pilit na sabi ni Zab.

Nagtawanan ang apat na alas pati na si Denzel..

"Cute talaga.. Parang ang sarap isabit sa pader amf.." banat ni Rhoi..

Muli silang nagtawanan..

Nilagay nila sa likod ng van ang bagahe ng Tito Zack nila..

Sabay nag unahan papasok sa loob..

Napapailing na lang si Zack sa kalikutan ng apat na binata..

Masaya silang bumyahe..

Isang oras ang lumipas..

Pumasok na sa subdivision ang van..

Huminto sa magarang bahay ang sinasakyan nila..

Bumusina si Denzel ng apat na beses.

May mga naglabasan na tao sa loob..

Isa isa na ring bumaba sina Denzel at Zack..

Napasigaw bigla si Primo..

"Putsa !.. Pareeeeee... !!!.." hiyaw ni Primo.

Sumunod sina Vincent at Nestor..

"Ikaw na ba yan Zackarias?..Ang pogiii.." tili ni Vincent at Nestor..

Nagtawanan ang mga nanay..

Pinagbabatukan ang mga asawa nila..

Isa isang humalik sa pisngi ang mga babae kay Zack..

Kinuha nila si Zabrina sa ama at pinasok sa bagong gawang bahay.

Sumunod naman ang kwadro alas sa mga nanay nila..

Naiwan ang mga tatay..

Nagbatian sila sa isa't isa..

"Bukas ko na lang ibigay ang titulo pare.." sabi ni Primo..

"Tulad ng hiniling mo.. Ginawa ko ayon sa design na inimail mo saken." bigkas ni Vincent..

Halos maiyak si Zack pero pinigilan nya..

"Salamat mga bro.. Grabe.. Ayaw ko pero naiiyak talaga ako.." biro ni Zack..

Nagtawanan ang mga tatay..

"Welcome to the neighborhood pards.. Next block lang kame if ever you need us.." sabi ni Nestor..

Tumango tango si Zack..

"Tara na nga sa loob. Baka magulpi na sa kurot si Zabrina.. Alam nyo naman sina Misis.. Sabik sa baby.." aya ni Denzel..

Magkakaakbay silang pumasok sa loob..


Nagkaroon ng kaunting salu salo sa loob ng bagong bahay ni Zack..

Masayang masaya ang pakiramdam nya sa piling ng mga dating kaibigan..

Pati sa mga asawa nito ay welcome na welcome ang trato sa kanya..

Wala na syang mahiling pa.

Malalim na ang gabi ng isa isang mag paalam ang kanyang mga kaibigan..

Napangiti sya ng pagmasdan ang mga kalat sa salas hanggang kusina..

Ang gugulo ng apat na binata..

Kwadro Alas daw sila..

At home na at home naman ang anak nya.. Mukhang di natakot sa mga bagong Tito at Tita nito.. Pati sa mga bagong ate at kuya..

Pagod man ay nagsimulang magligpit si Zack..

Medyo maselan sya pagdating sa kalinisan dahil na rin nga sa propesyon nya bilang doctor..

Ilang oras ang inabot nya ng matapos ang lahat..

Ala una na ng madaling araw..

Tahimik na tahimik ang buong kabahayan..

Pinunasan ni Zack ang anak na mahimbing na natutulog..

Dahan dahan nya din itong pinalitan ng damit..

Pagtapos nito ay marahan nya ding pinangko ang bata papunta sa kanyang kwarto..

Baka mabigla si Zab kapag nagising ito sa gitna ng gabi sa di pamilyar na kwarto.. 

At least pag magkatabi sila ng anak ay panagat itong matutulog..

Matapos halikan sa noo ay kinumutan ni Zack ang anak..

Nakangiti syang muling lumabas ng kwarto..

Bagamat tiniyak ng kaibigang si Primo ang seguridad ng subdibisyon ay tiniyak nya paring nakalock lahat ng pinto at binatana..

Mabilis nyang nakabisado ang tahanan..

Napansin nya ang cellphone na nalapag sa bar counter..

Ito ang isa sa talagang pinasadya nya kay Vincent..

Bar..

Para sa minsang paginom ng mag isa sa gitna ng gabi..

Napangiti sya ng maalala ang ina..

Sinimulan nyang idial ang pribadong numero nito..

NAg ring ng ilang ulit..

Napakunot noo si Zack.

Alam ng ina na ganitong araw sya uuwi.. Bagamat nais nitong isa sa mga sumundo ay pinigilan nya dahil sa di nya masabing dahilan..

Kinansel ni Zack ang tawag at inulit muli..

Naka tatlong ring ng may sumagot..

Napangiti si Zack..

"Nay. !.. Nakauwi na po ako.. Sunduin ko kayo dyan sa mansyon bukas ng tanghali siguro.. I miss you Nay.. Si Zab po tulog na eh.. Sayang .. Grabeng pag welcome ang hinanda nila Denzel dito Nay.. .." dire diretsong wika ni Zack..

Pero walang sumagot..

Tila nakikinig lang ang nasa kabilang linya..

"Nay?.. Anung trip na naman po yan?.." natatawang sabi ni Zack..

Muli..

Katahimikan lang ang sumalubong sa kanya..

Nagtaka na si Zack..

Muling pinagmasdan ang tinawagang numero..

Nakaregister naman na Nanay ang nakapangalan pero bakit ayaw sumagot?..

"Nay?.. Di nyo po ba ako marinig?.. Baka mahina po ang signal ?.. Sige po hintayin nyo na lang ako dyan bukas.. Mag impake na po kayo ha?.. " nakangiting paalam ni Zack..

Wala na namang sumagot..

Napailing na lang sya at akmang papatayin na ang cellphone ng biglang may narinig syang hikbi.

"Hello Nay? .. Anu pong nangyayari sa inyo?.." tarantang tanong ni Zack..

Limang segundo siguro bago lumipas ng may pahikbing nagsalita sa kabilang linya..

"Z-zack?.." boses ng babaeng..

Nagulantang ang buong pagkatao ni Zack..

Matagal na panahon na ang lumipas bago nya narinig ang boses na ito pero tandang tanda nya pa..

Ito ang nag iisang boses na hinding hindi nya inasahang marinig..

Napalunok sya..

Tulala..

Bumilis ang tibok ng puso..

"Z-zack.. I m-missed you.." untag ng babae sa kabila..

Mahina lang ang pagkakasabi nito pero dinig na dinig ni Zack ang lahat..

Kahit ang simpleng paghikbi ng babae sa kabila na pilit siguro nitong itinatago..

Umahon ang pangungulila sa puso nya..

Pero agad nya itong winaksi..

Muli nyang inalala ang lahat ng masasamang nagawa sa kanya ng babae ..

Pinangibabaw nya ang galit !..

"I hate you Sabrina.. Don't you dare to talk to me again.. Never.." matigas na sabi ni Zack..

Agad nyang pinatay ang cellphone..

Sa inis nya ay naibato nya ito sa ding ding..

Wasak..

Parang nag Manta ang cellphone nya at nahati sa tatlo..

Sumalampak ng upo si Zack.

Litong lito ang kanyang isipan.

Kung kelang nais nya ng magbagong buhay at pilit na kalimutan ang nakaraan..

Isang simpleng boses lamang galing sa babaeng naging sanhi kaya sya naging miserable sa mga nakaraang taon..Tiklop agad ang kanyang hinahon..

Ilang minuto din sya sigurong nakalugmok sa sahig bago nya narinig ang boses ng anak..

"Papa.. Baket ka po cry?.." naiiyak na ding sabi ng anak..

Biglang niyakap ni Zack ang anak at dito binuhos ang lahat ng kanyang damdamin..

"I love you Zab.." gigil na sabi ni Zack..

Pero ang nasa isip ay imahe ng nag iisang babae na nagpatibok at nagwasak sa puso nya..

Malapit na silang magtuos..

Muli nyang niyakap ang anak at tahimik na hinatid sa kwarto..




ITUTULOY !!!
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP