Home » » INIT PART XV

INIT PART XV

"Sabi ko, nalimutan mo na ba ang sexy body ko? hi hi hi" ani Beth

"Ha? Eh. Hindi no. Paano naman kita makakalimutan Beth."

"Unforgettable ba ako? Ha ha ha" biro ni Beth


"Oo" may pagkaseryoso kong sagot.

"O bakit ka naman naging seryosong bigla?" tanong ni Beth

"Wala lang..." sambit ko. "Oo nga pala, ano Yahoo Id ng pinapanood mong nagsho-show para mapanood ko rin."

"He! Huwag ka ng manood." sabi ni Beth

"Sige na ng sabay nating mapanood at makilatis ang showgirl na yan" pagpupumilit ko

"Hay naku. Wag na. At baka pagpantasyahan mo pa. Ako na lang pagpantasyahan mo. He he he" ani Beth

"Aba sige ba" biro ko

"Lelang mo... may... may gf ka na nga eh" sabi ni Beth

May naramdaman akong parang lungkot sa kanyang boses.

"Eh ikaw? Wala ka pa rin bang boyfriend?" tanong ko

"Marami..." sagot ni Beth "Sa sobrang dami di ko maalala mga pangalan hi hi hi"

"Baliw ka talaga." sabi ko

"Wala... wala akong boyfriend." paniniguro ni Beth

"Eh boylet? boytoy?" pangungulit ko

"Wala... di na... matagal ng wala..." mahinang wika ni Beth. "Ano nga ulit pangalan ng bago mong gf?"

"Ah si Mabel." sagot ko

"Mabel? Pretty sya ha. Sexy rin." sabi ni Beth

"Syempre naman" sagot ko

"Chick boy ka talaga Jun. Katatapos mo lang sa isang relasyon kay China girl eto meron ka na namang bago" sabi ni Beth.

"Eh di ko nga rin alam. Wala naman talaga akong balak pumasok sa panibagong relasyon eh." pagpapaliwanag ko

"Mahal mo ba si Mabel?" tanong ni Beth

"Hmmm siguro..." nagaalangan kong sagot

"Bakit siguro? Di ka sigurado?" sunod-sunod na tanong ni Beth

"Di ko rin alam eh. Ang tutoo di ako sure" sagot ko

Natahimik kaming pareho.

"Bakit di ka pa kasi magka-boyfriend eh" pagbabasag ko ng katahimikan.

"Kasi..." parang nanginginig na sabi ni Beth. "Kasi may pinangakuan ako dati..."

At biglang binaba ni Beth ang telepono...

Kinabukasan…

Tok! Tok! Tok!

Bumukas ang pintuan.

"Good morning" bati ko

"Jun?"

"Pwede ba akong tumuloy Beth?"

"Ha? Su.. sure, sure... pasok..." sabi ni Beth

Tumuloy ako sa sala at naupo.

"Ang aga mo ah?" puna ni Beth

"Eh sabi mo kasi idaan ko itong mga pasalubong ko sa yo" sagot ko

"Ay oo nga pala." sabi ni Beth. "Ang dami nito. Salamat ha."

"Wala yan. Mas marami sana iuuwi ko kaso mabigat na ang mga dala ko eh" dagdag ko

"Ok lang no. Ang dami na nga nito eh. Hiya tuloy ako." sambit ni Beth

"Ano ka ba Beth? Ngayon pa tayo magkakahiyaan eh matagal-tagal na rin tayong magkakilala"

"Maraming salamat talaga" paulit na pasalamat ni Beth

"Teka nga pala. Bakit mo ako binabaan ng phone kagabi?" biglang tanong ko

Natahimik si Beth. Inantay ko syang sumagot. Di rin ako masyadong nakatulog kagabi. sinubukan kong tawagan si Beth matapos nya akong babaan ng telepono kagabi pero di nya sinasagot ito. Di ko alam kung may nasabi ako mali na kinagalit nya o kung ano.

"Beth? May problema ba?"

"Ha? wala... wala Jun"

"Eh bakit mo nga ako binabaan ng phone?" ulit ko

"Wala lang. Ewan ko. Parang nalungkot lang ako" sagot nya

"Nalungkot? Tapos babaan mo ako?" nagtatakang balik ko

Di makaimik si Beth.

"May nagawa ba akong mali sa yo Beth?"

"Wala Jun... wala"

"Bago mo binaba yung phone, sabi mo may pinangakuan ka. Sino ba yun ha?" pangungulit ko

"Wala. Di mo kilala" tipid na sagot ni Beth

"Ikaw ha? Di ka na nagkukuwento. Ano nga ngalan?" tanong ko

"Di na importante kung sino" sagot nya

Napansin kong parang nalulungkot lang si Beth sa topic na yun. Tinignan ko ang orasan sa sala nila.

"Mag-a-alas diyes na pala. O sige Beth. Una na muna ako."

"Ba... bakit? May lakad ka?" tanong ni Beth

"Pupunta lang ako kina Mabel. Dun daw ako mag-lunch at nagluto sya." sagot ko

"Ah... ok... ok..." mahinang sabi ni Beth

"Sige. See you later ganda." paalam ko

Hinatid ako sa may pintuan ni Beth. Bago ako tuluyang umalis...

"Di mo ba talaga sasabihin sino yung pinangakuan mo?" ulit ko

"Di" mahinang tugon ni Beth

"O sige... ano na lang ang pinangako mo sa kanya aber?"

Waring nagisip si Beth. Papalayo na ako ng sumagot sya:

"Na... na nandito ako lagi para sa kanya."

Pagkatapos nun sinara ni Beth ang pintuan. Natigilan ako.

"Di kaya?" isip ko

Nagalinlangan ako. Babalik ba ulit ako kina Beth para kausapin o puntahan ko si Mabel na naghihintay na sa akin?

"Mali siguro iniisip..." bulong ko sa sarili

Naglakad ako hanggang sa may kanto at nagabang ng taxi. Ilang minuto lang at nakapara ako at dali-daling sumakay. Nagpahatid ako sa may Taft Ave., kina Mabel. Sa loob ng sasakyan, di ko pa rin maalis sa aking isipan ang sagot ni Beth.

"Nandito ako lagi para sa kanya..."

"Yun ang sinabi nya sa akin nung niligawan ko sya..." sa wari-wari ko

Tandang-tanda ko pa yun. Mga tatlong taon na ang nakakalipas. Yun ang panahon na nahulog talaga ang loob ko kay Beth. Sa tutoo lang, mahal ko pa rin si Beth. Minsan pag nakikita kong may naghahatid sa kanya pauwi sa apartment, di ko mapigilang makaramdam ng selos. Minsan naisip ko, bakit di naging kami? Mahal ko sya at mahal nya ako. Pero bakit di kami magkatuluyan? Bago ako manligaw kay Lorna nun, nagpaalam pa ako kay Beth. Ok lang naman daw sa kanya. Wag ko daw syang alalahanin.

"Live your life. I'm happy for you."

Yung ang sabi nya lagi sa akin. Kahit na naging kami ni Lorna and eventually ni Mabel, nanatili kaming magkaibigan ni Beth. Pag may problema kami, takbuhan naming dalawa ang isa't isa. Naisip ko na baka wala talagang feelings sa akin si Beth. Kaibigan lang talaga. Pero higit pa sa kaibigan lang nung simula. Yung araw na nagtalik kami ni Beth nun, naulit yun. Di lang minsan. Maraming beses. Para kaming mag-"sex partners". Marami akong natutunan kay Beth. Bihasa talaga

sya sa pakikipagtalik. Kaya siguro ako naging marunong sa sex ay dahil na rin sa kanya. Sinabi nya sa akin ang mga gusto at di gusto ng mga babae. Natigil lang ang aming pagniniig nung nanligaw na ako kay Lorna. Mula nun, parang normal na magkaibigan na lang kami.

"Beth..." buntong-hininga ko

Kailan ba talaga ako nagsabi ng "i love you" sa isang babae? Yung talagang galing sa loob, galing sa dibdib, galing sa puso?

"Kay Beth... kay Beth lang" sa loob-loob ko

Oo nga naging kami ni Lorna. Oo nga at nagtagal rin kami. Pero iba. Tingin ko minahal ko rin si Lorna. Pero iba. Di tulad nung naramdaman ko para kay Beth. Kung iisipin kong mabuti, kaya naman niligawan ko si Lorna ay para maalis sa isipan ko si Beth. Para pumasok sa isang tutoong relasyon. Yung pwedeng ipagsigawan sa mundo na eto kami, magsyota kami. Si Mabel? Di ko alam.

Swerte nga ako naging kami ni Mabel. Pero ginusto ko ba talaga? O dala lang ng pangungulila nung mag-break kami ni Lorna? Dala ng libog? Yun lang ba ang nararamdaman ko para kay Mabel?

"Ano ba ito?" tanong ko sa sarili ko

Bigla na lamang akong nagkaganito. Ok na ang buhay ko. May nobya ako. Maganda, sexy, smart. Tanggap ako ng pamilya nya. Ano pa bang hahanapin ko? Mabait si Mabel. Ano pa bang hahanapin ko? Sexually compatible kami ni Mabel. Ano pa bang hahanapin ko? Mahal ako ni Mabel. Ano pa bang hahanapin ko?

"Mahal ko ba si Mabel?" sa isip ko

Yun kaya ang sagot, isa ring tanong?

"Mahal ko ba si Mabel?" ulit ko

Di ko masagot ang sarili kong tanong. Gusto kong sabihin, oo mahal ko si Mabel. Pero bakit parang di ko masabi. Dahil kaya... di ko sya talaga mahal?

"Putsa Jun..." mura ko sa sarili

Naputol lang ang aking pagiisip ng tumigil ang taxi.

"Boss nandito na tayo." anang taxi driver

"Ha? O eto po manong, salamat po" sabay bukas ng pintuan at baba sa taxi

Lumapit ako sa may pintuan ng tinutuluyan ni Mabel. Naguguluhan pa rin ako pero inisip ko mamaya ko na lang problemahin paguwi ko. Nag-door bell ako. Kaagad bumukas ang pintuan. Si Mabel.

"Hi honey!"

"Hello 'bel"

"Halika... tuloy ka..." hila nya sa akin. "Maupo ka muna dyan. Maghahanda lang ako ng makakain

mo."

"Ha? eh maaga pa para mag-lunch." sabi ko

"Basta. Dyan ka lang. Buksan mo ang tv kung gusto mong manood." sabi ni Mabel

"Si Tita? Tito? nasan na sila?" tanong ko

"Wala sila. Umuwi ng probinsya. Piyesta kasi sa may amin sa Batangas ngayon" sagot nya

"Ganun ba? Bakit di tayo pumunta dun?" sabi ko

"Malayo. Tapos linggo pa. Eh may pasok tayo bukas. Mapapagod lang tayo sa biyahe." paliwanag ni Mabel.

"Ah oo nga." sambit ko

"Don't worry. Pagdadala tayo ng mga pagkain nina mommy." nakangiting sabi ni Mabel

Ngumiti lamang ako.

"O sige hon. Dyan ka lang at ihahanda ko lang ang pagkain." paalam ni Mabel.

Naiwan ako sa sala. Muling naisip ko ang sinabi ni Beth.

"Namputsa..." sa loob ko

Binuksan ko ang tv para mawala sa isipan ko. Naghanap ako ng mapapanood. Sinubukan kong libangin ang sarili ko pero wala talaga.

"Tawagan ko kaya si Beth?" isip ko

Akma na akong tatayo para lumapit sa may telepono nina Mabel ng may kumalabit sa likuran ko.

"'bel?"



Itutuloy…
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP