Home » » Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Ika-37 labas

Naayos din ng hapong iyon ang gusot ng magnobya. Bilang pakunsuwelo ay nagyayang manood ng sine si Dredd. Kumain muna sila sa isang fast food bago tuluyang nanood ng sine.

Pagkalipas ng maraming araw ay hindi akalain ni Dredd na maririnig pa rin kay Geng ang laging sinasabi nito sa kanya noon pa mang bagong lipat siya sa apartment ni Marie.

"Hindi ka pa ba lilipat?"

"Hayan na naman tayo..."

"Mabuti na 'yung nag-iingat."

"ano'ng ibig mong sabihin?"

"May naririnig kasi akong tsismis sa mga kaibigan ko na syota mo raw ang isa sa mga boardmate mo. Totoo ba 'yon?"

"Para ko na silang mga kapatid. Mga kaibigan ko lang sila." Palusot ni Dredd. Ngunit naroon pa rin ang kaba na baka nga may alam na si Geng sa nangyayari sa loob ng apartment nila. Inisip niyang baka

nakikiramdam lamang si Geng.

"Sinasabi ko lang... ha!" Banta ni Geng. "Kapag nagkataon, tapos ang maliligayang araw mo..."

Nilambing-lambing na lamang ni Dredd ang nobya dahil kung papatulan pa niya ay tiyak na giyera patane na naman ang labas nila sa araw na iyon. "Ikaw lang naman ang mahal ko eh. At hindi kita ipagpapalit kahit na sa isandaang babae sa balat ng lupa. Baw!"

Natawa si Geng. Iyon ang kahinaan niya, ang lambingin ng nobyo at patawanin.

"Okay. Sige... Hindi ako maniniwala sa sabi-sabi. Pero kapag nahuli kita sa akto ay huwag kang paaabot sa akin dahil puputulan kita!" Nakangising sabi ni Geng.

"Paano pa kitang maaano kung tatanggalin mo si Manoy?" Nakangising sabi ni Dredd. Natawa si Geng at kinurot siya sa tagiliran.

"Bakit kasi ang tagal pa bago tayo makagradweyt. Gusto ko nang itali ka sa saya ko, eh..." Wika ni Geng. "Ng sa ganon, sigurado kong walang ibang makakaano sa'yo kundi ako lang."

"Hayaan mo, pagkatapos natin sa pag-aaral ay..."

"Ay ano? Pakakasalan mo na ako?"

"Later. Maghahanap muna ako ng trabaho ...
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP