Home » » Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Ika-36 labas

"Hindi naman kita aagawin sa kanya eh. At saka hindi mo pa naman siya asawa 'di ba?" Hinimas-himas ni Janette ang dibdib ng binata. "Ang sa akin lang naman eh bigyan mo rin ako ng pansin at kaligayahan na ibinibigay mo sa nobya mo. Kuntento na ako nun."

Ibang klase rin naman itong si Janette, sa loob-loob ni Dredd. Sa kamuraan pa ng pagkababae nito ay marami nang alam sa seksuwalidad. Liberated daw kasi.

"I just want to enjoy my life while i'm still young. Kapag tumanda na tayo ay hindi na natin maibabalik pa ang kahapon. And I don't want to miss the chances..."

Okay lang kay Dredd, lalake siya, walang mawawala sa kanya.

Pagkagising ng iba pang mga kasama nila ay sabay-sabay silang kumain ng almusal. Nang nakaayos na ang lahat upang bumalik sa Maynila ay nagpahatid na sila. Naghabilin na lamang si Janette sa mga kasamahan sa bahay para sa mga magulang.

Negosyante ang mga magulang ni Janette. Umaalis tuwing umaga at umuuwi ay gabi na. Kaya bihirang magkasama ng matagal ang mag-anak. Kung ano man ang nagiging pangangailangan ni Janette sa pag-aaral ay

puro pera ang pinagagana ng kanyang mga magulang. Bigay dito bigay doon. Bayad dito bayad doon. Huwag lamang maabala ang mga magulang ni Janette sa kanilang negosyo.

Maaga pa ng makabalik sila Maynila. Sa inuupahan nilang bahay. Umabot pa silang lahat sa pang-umaga nilang klase.

Samantalang si Dredd, habang nakikinig ang mga kaklase sa itinuturo ng Propesor nila ay nakatuon naman sa malayo ang isipan niya. Naglalaro sa isip niya ang mga sandaling inaangkin niya si Marie at si Janette. Alam niyang pagnanasang seksuwal lamang ang nadarama niya sa mga ito at si Geng ang talagang mahal niya.

Pero ang problema ay kung mauunawaan siya ni Geng sa sandaling malaman nito ang pakikipagrelasyon niya kina Marie at Janette. Tamang nauunawaan nina Marie at Janette ang sitwasyon, pero itong si Geng, tiyak na magwawala. At tiyak na iiwanan siya nito.. Selosa pa naman si Geng. Gusto ay solo lang niya si Dredd.

Hanggang sa matapos ang klase ni Dredd sa maghapon ay wala siyang natutunan. Paglabas niya sa eskuwela ay diretso siya sa bahay at nagkulong sa kuwarto. Hindi maalis sa isipan niya si Geng. Namimis na niya ang nobya. Hindi na siya nag-atubili. Nagpalit siya ng damit at nagpasyang puntahan ang nobya. Makikipag-ayos siya. Siya ang unang hihingi ng paumanhin sa hindi nila pagkakaunawaan noong isang araw. Magkabati lamang sila.

"Galit ka pa ba sa akin?" Malambing na pagkakausisa ni Dredd sa nobya.

"Ikaw kasi..." May paninisi man sa tinig ni Geng ay malambig pa rin ang dating.

"O... hayan na naman tayo...." Niyakap ni Dredd ang nobya mula sa likuran. Hinalikan sa pisngi. "MIss na miss na kita..."

"Uyyy...." Sambit ng mga nagdaan sa sala na kasamahan ni Geng sa bahay. Sabay-sabay silang nagsabi.

Inirapan ni Geng ang mga iyon. Ngumiti naman si Dredd.

"Wala kaming nakita!" Sabi ni Cecille. Room mate ni Geng.

"Tsiken!" Sabi pa ng ilan. At nagtatawanan na umakyat sa kuwarto.

"Humanda kayo sa akin mamaya!" Banta ni Geng sa mga kasama ngunit nakangisi naman siya.
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP