Home » » Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Ika-32 labas

Natulog na rin si Dredd sa kabilang kuwarto. Solo niya.

Bagsak sa kama si Dredd. Tulog agad at mahimbing dahil sa pagod. Pero bakas sa mukha niya ang saya. Hindi nasayang ang pagkakataon na mapasakanyang mga kamay ang kabirhinan ni Marie.

Sa buong akala ni Dredd ay itong si Janette ang birhen at si Marie ang dalana. Pero baligtad pa pala, nagulat siya sa inasal ni Janette. Masyadong mapusok. At itong si Marie naman, wala pang gaanong alam sa sex. Ngayon pa lang, ng simulan niyang turuan.

Si Janette ang unang nagising sa grupo. Madilim-dilim pa noon, hindi pa tumitilaok ang manok. Nanggising ng maid si Janette at nagpagayak ng almusal. Ipinagayak sa mga driver ang dalawang sasakyang maghahatid sa kanila paluwas ng Maynila. Iginayak niya ang mga dadalahing gamit sa boarding house. Naligo. Nagbihis.

Nais ni Janette na bago niya gisingin lahat ng mga panauhin ay nakaayos na ang lahat. Pagkain. Sasakyan. At iba pang kakailanganin ng mga kaibigan niya sa paggayak.

Gigisingin na sana ni Janette ang mga kasamahang dalaga sa kuwarto na kasalukuyang nasa kahimbingan pa ng tulog ng maisip niya si Dredd.

Hindi nailak ni Dredd ang pinto. Naroon siya sa kama at nasa kahimbingan pa ng tulog. Nakahubad ang katawan. Nakalabas ang mga hita sa nakatakip na kumot sa gitnang bahagi ng kanyang katawan. Hindi alintana ng binata ang lamig ng air-con sa loob ng kuwarto.

Marahang bumukas ang pinto ng kuwarto kung saan natutulog si Dredd. Sumilip muna si Janette bago tuluyang pumasok. At nang makapasok ay ikinandado ang pinto. Binuhay niya ang lampshade. Lumapit sa kama at pinagmamasdang mabuti ang anyo ng binata.

Naupo si Janette sa kama, sa tabi ni Dredd. Hinagod ng tingin ang kabuuan ng kakisigan ng binata. Mula ulo hanggang paa. At pabalik. Hinila niya ang kumot na tumatakip sa gitnang bahagi ng katawan ni Dredd. Lumantad sa kanya ang soot na rief ng binata. Lalo na ang tungkos ng natutulog ding alaga ng binata. Napalunok ng laway si Janette.

Nakadama ng init sa katawan si Janette. Init na nagbuhat sa pagitan ng kanyang mga hita paakyat sa kanyang isip na nag-utos sa kanyang mga kamay na humagod sa dibdib ni Dredd. Hinimas niya ang braso ni Dredd pagapang sa dibdib. Hindi pa rin naising ang binata. Bumaba ang hagod niya sa tiyan nito hanggang sa brief. Ngunit lumagpas siya at doon napunta ang mga palad niya sa mabalahibong mga hita at binti ng binata.

"Kaysarap mong angkinin Dredd...," napakagat sa labi si Janette habang dinadama ang hipo ng mga balahibo ni Dredd na dinadaanan ng kanyang pangahas na palad. "Kailangang maging akin ka!" Nakangisi si

Janette na ibinulong sa sarili.

Naaalimpungatan si Dredd sa ginagawa ng dalaga ngunit hindi niya gaanong pansin dahil akala niya ay nananaginip lamang siya.



Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP