Home » » Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)

Dredd (Ang Giliw Ng Puso Nila)





Ika-13 labas

Kung minsan, mapag-iisip-isip ni Marie na nakakahiya sa sarili ang kanyang ginagawa. Kung minsan naman, naiisip niyang makipagnobyo na. Pero wala naman siyang matipuhan sa mga mokong na nanliligaw sa kanya.

Ito naman si Dredd ay may dating sa kanya pero nag-aalanganin siya dahil kelan lang niya nakilala. Boarder pa niya. Ang ikinaiinis pa ni Marie, mukha daw torpe o manhid.

Crash din ni Marie si Dredd.

Pero paano na kung may nobya si Dredd?

Naitanong minsan ni Marie sa sarili. Paano kung isama pa doon sa apartment. Hindi siya papayag na makita si Dredd na kayag ang nobya nito sa apartment niya. Magseselos lamang siya.

Ngunit sadyang mapaghamon ang sitwasyon.

"Good afternoon...," bungad ng isang magandang dalaga sa doorway ng apartment nina Marie.

"Yes... What can I do for you?"

"I'm looking for Dredd..."

"Dredd?"

"Dredd Serrano..." sabi pa ng babaeng naghahanap sa binata.

"Ah, umalis siya... sino sila?" usisa ni Marie.

"Tell him na lang na nag-drop by ang sweetheart niya. Okay?" Pinungayan ng mata at tinaasan pa ng kilay si Marie.

Asar lang ni Marie. Gusto niyang sipain palabas ng gate ang bruha.

Pagdating ni Dredd sa apartment ay agad sinabi ni Marie. "Hoy, mister!

Nagdaan ang sweetheart mo daw siya, kanina... hinahanap ka..."

Napangiti si Dredd. "So, you meet her?"

"She's cute...," sabi ni Marie. At bumulong, 'cute patayin!'

"Pasensiya ka na. Parang nakita ko na kung ano ang aprowts niya kanina. Ganoon kasi 'yon, eh... kapag nakakakita ng mas maganda sa kanya eh naiinsikyur."

"Ah, ganon?!" Hindi nakuhang magalit ni Marie dahil sa sinabi ni Dredd. Bagkus ay tila ibig pa niyang mangiti pero pinigil niya. "Sige, puntahan mo na at baka bumalik pa dito 'yon eh pabakatin ko lang sa padel."

Biglang pumasok sa kuwarto si Marie. Isinara ang pinto at doon sa loob

inilabas ang pagngisi sa sinabi ni Dredd na mas maganda siya kaysa nobya nito. Feel na feel naman niya.

May usapan kasi sina Geng at Dredd na magkikita sa Isetan Recto. Pero hindi nakarating sa oras si Dredd dahil nag-alanganin ang labas nila sa klase. Nahirapan siyang magpaliwanag kay Geng.

"Lagi mo na lang dahilan 'yan, eh."

"Konting tiis na lang, malapit na ang bakasyon, eh...." Nilalambing ni Dredd si Geng. Naroon sila sa sala ng inuupahang bahay nina Geng.

"At saka ikaw lang yata ang lalake sa apartment na 'yon. Mukhang ang lalandi pa ng mga nakatira. Lalo 'yung nakausap ko kanina."

"Ah... si Marie? Land Lady ko 'yon."

"Land lady ka d'yan?!"

"Uyyy... nagseselos..." Ngumisi si Dredd.

"Ah basta! Lilipat ka ng ibang bahay."

"Ano?!" Biglang nagbago ang hitsura ng mukha ni Dredd. "Lipat na naman?"

"Basta I hate her. At ayokong magkasama kayo ng babaing 'yon sa isang

bubong."

"What's the matter with that?"

"The matter is wala akong tiwala sa kanya!" Tumaas ang tono ng boses ni Geng. "That's the big deal!"

"Big deal! Talagang napakaselosa mo. Alam mo ba 'yon?"
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP