Home » » Bagong SEXperience (Samantha)

Bagong SEXperience (Samantha)

Part 10



"Jun? Jun?"

"Samantha."

"Huh?"

"Samantha ang mommy mo ito."

"Mommy?"

"Yes ang mommy ito."

"Nasaan ako?"

"Magpahinga ka muna anak. Darating ang duktor para tingnan ka ulit. I'm
so glad you came back with us Samantha."

"Came back? Bakit ang labo ng paningin ko? Bakit hinang hina ang
katawan ko?"

"Rest Samantha. Magpalakas ka muna." Naramdaman ni Samantha na hinagod
ng kamay ng mommy niya ang noo niya.

"Mommy..."

LUMIPAS ang ilang araw.

"Samantha? Are you awake?"

"Who's that? Rita?"

"Yes it's Rita. Kumusta ka na friend?"

"Medyo malakas na nang kaunti ang pakiramdam ko. Pero medyo malabo pa
rin ang paningin ko." sagot ni Samantha. "Si Wency ba ang nasa tabi
mo?"

"You're getting better na nga. Yes it's me."

"Hi Wency, Rita." bati ni Samantha pagkatapos ay parang may hinahanap
ito. "Si Jun? Hindi ba ninyo kasama?"

Nagtinginan ang mag-asawa pagkatapos ay nilinga ang mommy ni Samantha
na umiling naman sa kanila.

"Hindi namin kasama si Jun Samantha." sagot ni Rita. "Mabuti pa
mag-concentrate ka na lang sa pagpapalakas ng katawan para madalaw
natin siya."

"Nasaan siya?" tanong ni Samantha. "Nasa ibang ospital ba siya?"

"Sa ibang ospital siya dinala ng mga magulang niya Samantha." ang mommy
niya ang sumagot. "Tama na muna ang mga tanong na ganyan, iba muna ang
pagkuwentuhan natin."

Nagkuwentuhan silang tatlo sa tabi ni Samantha samantalang ang dalaga
naman ay pumikit na lang. Mahinang-mahina pa rin ang pakiramdam niya at
halos hindi pa rin niya maikilos ang katawan niya. Kung gusto niyang
makita ulit si Jun, kailangan niyang magpalakas ng katawan.

LUMIPAS ang maraming araw at unti-unting lumakas ang pakiramdam ni
Samantha. Luminaw na rin sa wakas ang paningin niya at natuklasan
niyang lumalaki ang tiyan niya. Dahil hindi na maikakaila ang kundisyon
niya, napilitang sabihin na rin ng mommy niya ang katotohanan kasama si
Rita.

"I'm four months pregnant?" gulat si Samantha sa sinabi ng mommy niya.

"It's true Samantha." sabi ni Rita.

"Pero... I was in the hospital for almost a month lang!"

"Samantha, na-comatose ka for three months." kuwento ng mommy niya. "If
you remember, nabaril ka sa dibdib. Mabuti na lang at hindi tinamaan
ang puso mo, kung nagkataon..."

"Samantha, you hit your head when you fell down." kuwento ni Rita. "Yun
ang naging cause ng comatose mo. Mabuti na lang at mahusay ang duktor
mo and he was able to save your baby."

"Three months..." bulong ni Samantha. "But for me it seems like a month
lang..."

"Masuwerte ka pa rin Samantha." sabi ni Rita. "Yung ibang nako-comatose
hindi na nagigising pa."

"Si Jun!" bigkas ni Samantha. "Nabaril din siya sa dibdib di ba?
Comatose din ba siya?"

Hindi nakapagsalita agad ang dalawa sa tanong ni Samantha. Maya-maya'y
tumabi si Rita sa kanya.

"You can call it like that." sagot ni Rita. "Once na malakas na malakas
ka na, pupuntahan natin si Jun."

Ngumiti si Samantha at napansin niyang may kalakihan na rin ang tiyan
ni Rita. Tiningnan din ni Rita ang tiyan niya at kinapa. "Pareho na
tayo ano?"

Nagpatuloy ng kuwento si Rita. Nalaman ni Samantha ang nangyari kay
Marvin. The same day din binaril si Marvin at dead on arrival ito sa
ospital. Ganun din si Cindy. Lumaban ito sa mga pulis at napilitang
paputukan siya ng mga ito. Hindi na rin umabot ng buhay si Cindy sa
ospital.

"My god..." sabi ni Samantha. "Hindi ako makapaniwala..."

"Kaya nga masuwerte ka pa rin." sabi ng mommy niya. "Samantha, pinaalam
mo ba kay Jun na buntis ka?"

Hindi sumagot si Samantha. Tinapik siya sa balikat ng mommy niya. "Sige
magpahinga ka na."

PAGKALIPAS ng isang linggo, lumabas na ng ospital si Samantha kasama
ang mommy niya at si Rita. Sinundo sila sa ospital ng daddy niya dala
ang sasakyan. Nung nasa daan na sila ay nag-request si Samantha na
dalawin sa ospital si Jun.

"Bakit hindi ka muna magpahinga sa bahay anak?" tanong ng daddy niya.

"Dad, matagal na akong puro pahinga ang inaatupag. Gusto ko nang makita
si Jun."

"Sasamahan kita." sabi ni Rita. "But meron muna tayong dadaanan."

TUMIGIL ang sasakyan sa loob ng isang sementeryo. Inalalayan ni Rita si
Samantha sa paglakad hanggang tumigil sila sa isang puntod. Dito ay
napalahaw ng iyak si Samantha nang mabasa ang pangalan ng may-ari ng
puntod.

Si Jun.

Niyakap ni Rita si Samantha. "Hindi na siya umabot ng buhay sa ospital
Samantha."

"JUN!" palahaw ni Samantha. Maya-maya'y naramdaman ni Samantha na
niyakap din siya ng kanyang mommy.

"Samantha, ang baby mo." bulong ng mommy niya. "Lakasan mo ang kalooban
mo."

"Mommy, mahal na mahal ko si Jun!"

Tumango ang mommy niya at lalong niyakap si Samantha. "I'm sorry anak.
Ganito talaga ang buhay sa mundo. May kanya-kanya tayong landas na
sinusundan. Kahit nagmamahalan kayong dalawa, nagkataon naman na maigsi
ang naging landas ng buhay ni Jun. Pero ikaw Samantha, binigyan ka ng
mahabang buhay. Biniyayaan ka pa ng anak. Kaya lakasan mo ang kalooban
mo dahil hindi ka na nag-iisa ngayon. Dalawa na kayo ng anak mo."

Nagtagal pa sila sa puntod ni Jun ng kalahating oras. Pagkatapos ay
nagyaya na si Rita.

"Samantha, halika na." yaya nito. "Puwede mo naman siyang dalawin ulit
sa susunod na araw."

Tumingin si Samantha sa kanya at tumango. Nung naglalakad na siya ay
tinanong ni Samantha kung saan nakalibing si Marvin.

"Dito din sa sementeryong ito nilibing ang labi ni Marvin." sabi ni
Rita. "May kalayuan nga lang."

"Puntahan natin." sabi ni Samantha. Kaya't sumakay ulit sila sa
sasakyan at pinuntahan ang lugar ng pinaglibingan ni Marvin. Si Rita at
si Samantha na lang ang bumaba ng sasakyan.

Nakatayo na sila ngayon sa puntod ni Marvin. Tahimik si Samantha at
nakatingin sa litrato ni Marvin na nasa ibabaw ng nitso nito.
Maya-maya'y may naramdaman si Samantha at kinapa ang tiyan niya.

"Sabi ko na nga ba." sabi ni Samantha kay Rita.

"Bakit?" tanong ni Rita.

"Sumipa ang anak ko sa tiyan ko." nakangiti si Samantha.

"Talaga?" bigkas ni Rita na nakangiti. "Kaya lang delayed reaction
naman si baby, dapat sa puntod ng daddy niya siya sumipa."

Tumango si Samantha kay Rita. "The baby knows, kaya dito siya sumipa."

Napanganga si Rita sa tinuran ni Samantha. "Are you telling me---"

"Si Marvin ang ama ng anak ko." turan ni Samantha. "Kinausap ko ang
doctor ko and he told me almost four months pregnant na ako. Four
months ago, nagtalik kami ni Marvin and for the first time I let him
come inside me."

"You and Marvin?" gulat pa rin si Rita. "I can't believe it! I know
malapit si Marvin sa iyo, but I never knew..."

"It's ironic nga." sabi ni Samantha. "You know I told him that day na
siya ang unang lalaking nilabasan sa loob ko? He was very happy that
time. He even wrote me a love letter na kung mabubuo ang ginawa namin,
gusto niya maging junior niya ito."

"Siya ba talaga ang una?" tanong ni Rita.

"Hindi siyempre!" sagot ni Samantha. "Si Jun ang una. But I told Marvin
anyway na siya ang first because I saw how happy he was. Unfortunately,
nadala din ako sa passion ng sex namin because I didn't realize na
delikado pala ako nuon. That explains why I'm so horny that time."

"Mind boggling ito ha!" biro ni Rita. "So... ano ang plano mo ngayon?"

"To live." sagot ni Samantha. "I'll get behind this and live my life
with my baby. Katulad mo magiging mommy na rin ako. Nawala man ang
dalawang espesyal na lalaki sa buhay ko, nabiyayaan naman ako ng isang
baby."

"Good answer friend." tugon ni Rita. "Halika na, masyado nang mainit
ang sikat ng araw at bawal sa mga buntis ang masyadong naiinitan."

Ngumiti si Samantha sa kanya pero hindi muna ito sumunod sa kanya.
Hinaplos muna nito ang litrato ni Marvin. Pagkatapos ay sabay na sila
ni Rita na lumakad pabalik ng sasakyan.

EPILOGUE

Ipinanganak ni Samantha ang isang sanggol na lalaki pagkatapos ng ilang
buwan. Pinangalanan niya ang bata na Marvin Jun Belfiaro in homage to
Marvin and Jun. Nagturo ulit sa high school si Samantha ngunit sa ibang
eskuwelahan na para makalimot sa masalimuot na nangyari sa kanya. Dito
sa bagong eskuwelahan ay nakilala niya ang isang teacher din na
nabiyudo sa asawa at may isang anak na babae. Pareho sila ng age at
very compatible sa isa't isa kaya't hindi nagtagal ay nagpakasal din
silang dalawa. Masayang masaya ngayon si Samantha sa bagong role niya
na asawa at ina ng dalawang bata.

Sinuwerte naman si Wency na mag-abroad at after two years ay naisama
din niya si Rita at ang anak nito na babae. Kahit anak ito ni Jun kay
Rita ay minahal ito ni Wency na parang anak niya. Nabuntis ulit si Rita
at nagsilang ito ng baby girl ulit.

Lingid naman sa kaalaman ni Wency ay nabuntis pala niya itong syota ng
bayan na si Norma. Pero dahil may kabuhayan naman itong si Norma ay
hindi na nito pinaalam ang pagbubuntis niya na lingid din kay Wency ay
isang batang lalaki.

WAKAS
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP