Home » » Bahay ni Kuya Chapter 3: Sekreto ni Kuya (b)

Bahay ni Kuya Chapter 3: Sekreto ni Kuya (b)

Pagbaba ko sa first floor nagulat ako at nandon si Miyu kumakain sa lamesa. “Miyu? Ala una na ng umaga ah kumakain ka ulit?” tanong ko at nagpacute sya. “E kuya baka kainin ni ate Tessa ito e” sagot nya at natawa nalang ako. “Sige dito ka muna at susunduin ko si Liezl” sabi ko sa kanya. “Sama ako kuya” sabi nya at agad lumapit sa akin at dala pa ang plato at tinidor. “Wag na gabi na, ubusin mo na yan then go back to sleep” sabi ko. “Hmp, sige na sa kotse lang naman ako e” sabi nya at mahirap makipag negosasyon kay Miyu kaya sinama ko na sya. Nakarating kami sa bar at tinext ko na si Liezl, ilang segundo lang lumabas na sya pero may humawak sa braso nya at pinigilan sya. Napilitan ako lumabas ng kotse at hinarap yung lalake. “Brod bitawan mo sya” sabi ko at tinitigan ako ng lalake.


“Excuse me pare maghanap ka ng iba, nauna ako dito e, pinainom ko na sya at pinakain tapos sasawsaw ka” sabi nya. Tinignan ko si Liezl at nairita na ako sa lalake, “Liezl pasok na sa kotse, brod bitawan mo sya kung ayaw mo mabasag ang bungo mo” sabi ko at tinawanan lang ako ng lalake. “Wow pare mahangin to, ano gusto mo pare?” sabi nya sabay binitawan si Liezl. “Liezl pasok na sa kotse susunod na ako” utos ko at agad pumasok sa kotse si Liezl. “Ano pangalan mo pare?” tanong ko sa kanya.


“Wilfred Reyes pare, bakit crush mo ako?” tanong nya at binangga nya ang dibdib ko. “Hindi, para alam ko anong pangalan ang ilalagay sa puntod mo, teka lang pare ipapahanda ko na ang puntod mo” sabi ko at nagdial ako sa cellphone ko, “Hello si Mister Mendez ito yung may pinalibing last month, ah pwede magpasundo ng dead body ngayon na at wala nang lamay lamay diretso libing na to tulad ng dati” sabi ko at pinarinig ko sa kanya ang sagot ng tao sa linya. Sinindi ko ang loud speaker at madami ang nakarinig.


“Yes mister Mendez, tulad ba ito ng dati na walang papeles?” tanong nung nasa linya. “Oo, Wilfred Reyes ang pangalan niya pakilagay na sa puntod yon, bale mukhang five feet nine sya tapos medium build, ipagsiksikan nalang natin tong asungot na to sa small coffin yung pambata” sabi ko. “Okay sir, give us ten minutes at nandyan na kami” sabi ng nasa linya at nanlaki ang mga mata ni Wilfred. “Pare teka teka, nagbibiro ka ba?” tanong nya at binulsa ko na ang cellphone ko at kinuwelyo ko sya, “titigan mo nga ako mabuti at sabihin mo kung nagbibiro ako” sabi ko at talagang tinignan ko sya ng masama. “Alam mo ba ilang tao na ang pinatay ko at pinalibing, sabi ko last month last na yon e, pero eto ka aastig astig ka tapos ano binalak mo sa kinakapatid ko pare ha? Feeling mo porke napainom mo na maiuuwi mo na sya? Tama na satsat halika na pare at nangangati na ang mga kamao ko” sabi ko sa kanya at lumayo sya sa akin.


“No pare, kalimutan na natin to, sorry pare about Liezl. Pare sorry talaga, peace tayo bro” sabi nya. “Bakit mo ako tinatawag na bro? Kaano ano ba kita? O bakit ang aangas ng tingin niyo sa akin gusto niyo maging magkakapitbahay sa ilalim ng lupa?” tanong ko sa mga nasa paligid at nagsitalikuran sila at naglakad palayo. Pati si Wilfred naglakad na palayo at nang lingunin niya ako tumawag ulit ako sa cellphone ko at tumakbo sila ng mabilis. “Hello pare, salamat, sorry nagising kita” sabi ko kay Tonio. “Hahahaha pare just like the old times ha, sige pre kwento mo nalang bukas” sabi nya. “Sige pre salamat ulit” sabi ko at tawa ako ng tawa nang pumasok ako sa kotse.


“Ang galing galing ni Kuya nagtakbuhan sila lahat” sabi ni Miyu. “Sorry kuya” sabi ni Liezl pero di ko sya pinansin. Nagpauwi na kami pero bigla ako kinalbit ni Miyu, “Kuyaah, bukas pa ang Chowking kuya o, siopao at mami masarap dyan” sabi ni Miyu at agad ko tinabi ang kotse at tuwang tuwa ang bata. “Tara na kain tayo” sabi ko, “Ha? Take out mo na, look o naka pajama lang ako” sabi nya. “Aysus halika na, Liezl sama ka na” sabi ko at tinignan nya lang ako at dahan dahan lumabas ng kotse. Kumapit sa akin si Miyu pagkat nahihiya sya, pagpasok namin agad kami nag order saka umupo.


“Kuya sorry” sabi ni Liezl at niyuko nya ulo nya. “Liezl wala ka ba napapansin na ikaw lang ang umuuwi ng late? Eto na ang the worst, wala ka na pera buti natawagan mo pa ako. Pano kung hindi ako nagising nasan ka na kaya?” tanong ko sa kanya. “Teka dun muna ako” sabi ni Miyu. “Hindi dito ka at makinig ka kasi dadaanan mo din ang ganitong stage sa buhay” sabi ko at pareho sila tumahimik.


“Look, pwede ka gumimik, wala masama don, inaraw araw mo na nga e. Ano ba nakukuha mo sa ganyan?” tanong ko. “Fun” sagot nya. “Fun, to the point na wala ka na pera tapos iuuwi ka na nung lalake, you know what happens next naman siguro, ganon ka ba?” tanong ko at bigla nya ako tinignan. “Hindi ha virgin pa ako” sabi nya, “Lalo na ako” sabi niMiyu. “Pare pareho pala tayo e” sabi ko at bigla nila ako tinignan. “What?” tanong ko at tumawa si Liezl. “Kuya talaga nagpapatawa ulit” sabi nya. “Im being honest, bakit nakakahiya ba sa lalake ang umamin na virgin pa sya? Well now you know my secret” sabi ko at nagngitian sila. “Ows?” hirit ni Miyu, “Hindi ako naniniwala, twenty four ka na e” sabi ni Liezl. “So what kung 24 ako? Anyway back to the topic, ikaw Liezl maganda ka sigurado yan. Kung fun ang hinahanap mo bakit di ba pwede one or two hours lang sa bar tapos uwi na? Oo alam ko dahil sa ganda mo inakit mo sila kaya ka nila nilibre sa drinks, pero ika nga walang libre sa mundo so alam mo na ang hinahanap nilang kapalapit” sermon ko sa kanya.


“Hindi ka nga siguro pokpok pero ang tawag sa ginagawa mo ay…para kang social slut, ginagamit mo ang ganda mo para painumin ka o pakainin, so pag titignan mo parang gawain ng pokpok din yon. Gusto mo ba na bansagan ka ng pokpok?” tanong ko at tahimik lang sya. “E kuya ako ginagamit ko kakyutan ko para ilibre mo ako, pokpok ba ako?” tanong ni Miyu at natawa ulit ako. “Hindi, ang tawag sa iyo user or parasite” biro ko at kinurot nya ako. “Hay naku kain na tayo pero Liezl di na pwede maulit ito ha, next time gigimik ka magsama ka ng isa, kung wala sasama ako sasama sa iyo” sabi ko sa kanya at napangiti sya.


“Magalit ka man sa akin o magtanim ng galit okay lang, basta di ako nagkulang sa pagpapaalala sa iyo” sabi ko. “I understand kuya and I am sorry” sabi ni Liezl. “O sige kain na at para makauwi tayo may pasok pa kayo mamaya” sabi ko.


Alas tres na kami nakauwi sa bahay at papapasok na sana ako sa kwarto ko nang sumama sa loob si Miyu, “Oy matulog ka na kaya” sabi ko sa kanya. “Di na ako makatulog kuya kasi kumain ako ng sweets, wag ka narin matulog magkwentuhan nalang tayo” sabi nya at hinila din niya si Liezl sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama ko at tinabihan nila ako, sa nangyari nag asal tatay ako o talagang kuya. Masaya din ako at tinanggap ni Liezl ang mga sinabi ko sa kanya, wala na kami magawa kundi magkwentuhan, ang kulit ni Miyu pero nakaidlip si Liezl. “Hayaan mo na sya matulog Miyu, nakainom yan e” sabi ko. “Sige na nga pilitin ko magsleep pero dito narin ako” sabi nya sa akin at niyakap ako.


Kung masamang tao lang ako iba na ang nagawa ko, pero ayaw ko masira ang tiwala nila sa akin. Ako ang kuyanila….pero hanggang kailan?
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP