Home » » Bahay ni Kuya Chapter 1: Pagpapakilala

Bahay ni Kuya Chapter 1: Pagpapakilala

Chapter 1: Pagpapakilala


“Aha! P0rn nanaman siguarado yan!” sigaw ni Tonio nang pumasok sya sa aking opisina, agad ko sinara ang laptop ko at nagpasimple pagkat nabuking nanaman nya ako. “Ano kailangan mo pare?” tanong ko sa kanya. “Asus sinara pa o, patingin nga pare, ikaw talaga mahilig ka parin sa p0rn dapat kasi maghanap ka na ng girlfriend mo pare. 24 years old ka na wala ka pang girlfriend and to top all that virgin ka pa!” sabi nya nang buksan nya ang laptop ko.


“Ang kapal ng mukha mo din magsermon sa akin ng ganyan ano? Meron ako girlfriend dati, sino kaya nanulot sa kanya…teka sulot is not the right term…sino ang umahas sa kanya? Kinama agad bago ako, ano pare nakokonsensya ka na sa ginawa mo? She was my first girlfriend and probably the only girl na pumatol sa akin tapos inahas mo sya, ganyan ba ang best friend pare?” sumbat ko at tumahimik sya at naupo.


“Pare up to now ba di mo ako napapatawad sa ginawa ko?” tanong nya. “Duh! Kung ako kaya gumawa non sa iyo pare ano din mararamdaman mo? Madali lang siguro sa iyo kasi gwapo ka pare, e mga tulad namin na wala itsura? Pare kay hirap ko sya napaibig sa akin tapos isang gabi lang kayo nagkakilala kinama mo agad, ahas ka pare e” sabi ko sa kanya at nagsisimula nanaman ako mag init. “Sorry pare, I know di mo na ako mapapatawad sa ginawa ko and I am thankful kahit ganon nagawa ko sa iyo binigyan mo parin ako ng trabaho. Mabait ka masyado pare and there will come a time na may iibig din sa iyo dahil sa kabaitan mo” sabi nya. “Shut up ka na nga! Yung time na yon dumaan na okay? Inahas na sya ng bestfriend ko. **** it pare, wag na nga natin pag usapan yan baka mabugbog pa kita e” sabi ko sa kanya at nanahimik na sya.


“Pare, isang tanong lang, kaya mo ba sya nilipat sa isang company niyo para parusa sa akin na di kami magsama dito?” tanong ni Tonio. “No pare, kasi pag nandito kayong dalawa can you imagine the pain I will go through everyday pag nakikita ko kayo? Pag nakikita kita natitiis ko kasi kaya naman kita bugbugin anytime pag nagalit ako pero pag sya nakita ko lalo ako nagagalit e at di ko kaya pagbuhatan ng kamay ang babae kaya mas mabuti pa sa malayo sya” sagot ko. “So hindi mo kami mapapatawad pare?” tanong nya. “Nope, never will pare” sabi ko. “Pero you still take me as your bestfriend?” tanong nya. “Yup, and take note pare boss mo ako, gusto man kita saktan pero wag na waste of time lang yon, mas maganda na ganito at utusan kita kaya wala kang karapatan magreklamo” sabi ko. “Wala akong balak pare, so ano pupuntahan ba natin lolo mo today?” tanong nya. “Ay oo nga pala no, sige bili ka ng favorite ensamada nya tapos meet me at the parking lot” utos ko at agad sya umalis.

Pagdating namin sa ospital madaming tao sa kwarto ni lolo, agad kami pumasok ni Tonio at lahat sila napatingin sa akin. “Demet Lolo buhay ka pa?!” sigaw ko at biglang tumawa ang lolo ko. “Jeff pakainin mo nga lolo mo, nag iinarte nanaman e, dinalhan na nga namin ng pagkain ayaw nya galawin” sabi ng tita ko. “Hi Kuya!” sabi ng pinsan kong mga twins, pareho silang maganda at mestiza, sana di ko nalang sila pinsan. Niyakap ako ng dalawa kong pinsan at tumawa nanaman ang lolo ko. Sinenyasan ko si Tonio para iabot ang ensamada at agad ito kinain ng lolo ko. “Yan si Jeff alam niya ang gusto ko, oy akin lahat to kung gusto niyo kumain kainin niyo yang dinala niyo” sabi ng lolo ko at parang bata itong kumain.

“Sige daddy aalis na kami at ihahatid ko pa tong dalawa sa school nila bago sila malate sa next class” sabi ng tita ko at umalis na sila lahat. Sinara ni Tonio ang pinto at nginitian ako, “Hoy Tonio mga pinsan ko mga yan, wag mo babalakin” sabi ko sa kanya at tumawa ang lolo ko. “Actually apo di mo sila pinsan” sabi ni lolo at napatingin kami sa kanya. “Nakita mo tita mo? Kayumanggi, yung asawa nya kayumanggi, yung twins mestiza, sige nga pwede ba mangyari yon?” sabi nilolo at natawa ako. “Lolo ang puti nga ni tita e” sabi ko sa kanya. “Pumuti dahil sa pera, nakita mo ba kung may rosy cheeks sya? Wala! Pekeng kaputihan, yung twins natural mestiza kaya pwede mo sila patulan” biro ni lolo. “Lolo virgin pa si Jeff” banat ni Tonio at tumawa nanaman ang lolo ko. “Alam ko, torpe kasi yan nagmana sa akin at sa tatay nya, help me up Tonio at maglalaro kami ng chess ng apo ko” utos ni lolo at agad sya inalalayan ni Tonio.


Nagkatapat kami ni lolo sa table at naupo sa tabi ko si Tonio, “Alam mo Tonio, itong si Jeff ang pinakamabait sa lahat. Nagsasawa na nga ako sa itsura niyo kasi lagi kayo nandito e. Yung mga anak ko plastic, pupunta dito tatanungin ko okay lang ako pero sa totoo gusto na ako mamatay para makuha na nila mana nila” sabi ni Lolo at tumawa ulit sya. “Jeff twing naglalaro tayo ng chess lagi mo ako pinapanalo apo, alam ko yon pero this time pwede ba lumaro ka ng patas? Ako nagturo sa iyo maglaro, pano ako matutuwa pag ang student ko ay di nya ako tinatalo? That means mahina akong teacher diba?” sabi ng lolo ko. “Napansin niyo din pala” sabi ko at tumawa sya. “Syempre ako nagturo sa iyo e, so ngayon labanan mo talaga ako ng patas” sabi nya. “Lagyan natin ng pusta lolo para may challenge naman” sabi ko. “Sige ano gusto mo?” tanong nya. “If you win maghahanap na ako ng girlfriend ko para maipakilala ko sa inyo, pag nanalo ako you promise me to keep on living” sabi ko at napangiti nalang lolo ko.


Kahit na nanalo ako sa araw na yon pumanaw din lang lolo ko kinabukasan, after a week nailibing na namin sya at nagtipon tipon kamig mga naiwan nya sa opisina ng attorney nya para makuha namin ang mga iniwan nya para sa amin.


“Claire and family will get the house in Forbes Park and in Tagaytay and the new company. Leonardo and family will get the house in Richview and the one in Baguio plus the shipping company. Gerardo will get the houses at Alabang and in Cebu plus the two office buildings along Makati. That leaves Jeff, makukuha mo yung old house at yung old advertising company” sabi ng attorney at biglang nagtawanan ang mga uncle at auntie ko.


“Nagpakahirap ka iho for nothing, well good luck sa old house at old company” sabi ng tita ko at naiinis ako at totoo ang sinabi ng lolo ko na pera lang ang habol nila. Umalis na ang mga uncle at auntie ko pero pinaiwan ako ng attorney, sinara nya ang pinto at naupo sa tabi ko. “Ito ang gusto ng lolo mo, at iniwan nya pala itong mga bank accounts nya para sa iyo lang” sabi ng attorney at nang tignan ko ang mga passbook at ledger ay nagulat ako sa laki ng pera. “Holy ****! 200 million pesos lahat ito!” sabi ko at tumawa sya. “Ah yes ito pa yung bank account nya sa States, sa iyo din nakapangalan yan” sabi nya at lalo ako nagulat, “3 million dollars!” sigaw ko at tawa sya ng tawa. “Tama nga lolo mo ganyan ang reaksyon na sinabi nya, anyway congratulations sa iyo lahat yan kasi favorite ka ng lolo mo” sabi nya sa akin at di parin ako makapaniwala.


“Pero attorney if I got this big how much did they get?” tanong ko. “Wala, they don’t know about those, your lolo kept it a secret, he wants you to enjoy your life iho” sabi nya. “E kayo ho magkano po gusto niyo, I mean I have to pay you” sabi ko sa kanya. “Oh no, may iniwan sa akin ang lolo mo and that is enough already. If you have any problems just call me okay?” sabi nya at umalis na ako at di parin ako makapaniwala.


Week end at binisita namin ang old house, naalala ko ito pagkat dito ako lumaki. Dahil sa kalumaan iba na ang itsura ngbahay, medyo modern looking na dahil pinaayos ito ng lolo ko. Pero pag titignan mo sa labas mukhang lumang bahaysya but inside napalitan na ng marmol ang mga kahoy na flooring, may swimming pool sa likod ng bahay at nandon parin ang matagal nang kasambahay ng lolo ko na si manang Aurelia.


“Pare this is mine now, ang laki nito masyado pare but I cant sell it” sabi ko. “E di gawin mong boarding house pare” sabini Tonio sabay kindat sa akin. “Wag na! masisira lang ito, pamana ito sa akin ang I want to keep it well” sabi ko sa kanya. “Pare, relax, kung papayag ka tutulungan kita, imagine exclusive boarding house for pretty girls only” sabi nya at siniko ko sya. “Tado! Tapos lilipat ka narin dito para manyakin mo sila lahat ganon?” sabi ko at tumawa sya. “Pare aminin ko babaero ako noon, but after inahas ko si Nadine sa iyo nagbago na ako pare, sya nalang isa. Kasi pare nahihiya ako sa iyo, inahas ko na nga girlfriend mo tapos ipapakita ko pa sa iyo na nagloloko ako, so I swear pare nagbago na ako. In some way what happened between us helped me change” sabi nya at siniko ko sya sa sikmura. “Punyeta ka, wag mo nga sasabihin yan, change for you pero my life became miserable after that so please pare don’t ever say that” sabi ko sa kanya. “Okay pare sorry. Pero imagine mo nalang, itong bahay mo boarding house, not like the usual boarding house,bahay na pretty, sexy young girls live plus ikaw lang lalake dyan. O don’t you like that pare?” sabi nya at napangiti ako.


“You see, you like the idea ano?” sabi nya at nagtawanan kami. “Kuya wala akong pambayad pwede katawan ko nalang” biro ni Tonio at nagbakla baklahan sya, tawa kami ng tawa at nagugustuhan ko ang ideya niya. “Pare malay mo isa sa mga boarder mo bibinyag sa iyo, pero pag wala at least di mo na kailangan mag download ng p0rn pare kasi live na yan. Gusto mo butasan natin yung banyo para makasilip ka pa” sabi nya at binatukan ko sya. “Tado di ako ganyan kadesperate ano! Pero I like the idea, pero natatakot ako pare baka masira yung bahay e” sabi ko.


“hay naku pare, we shall screen them, tignan mo malaki sahod mo sa company so mura lang ibabayad nila, tamang tama lang pambayad ng utilities, water, kuryente, pagkain at sweldo narin ni manang siguro kasya don” sabi nya. “Screening? Pano yon?” tanong ko. “Ako bahala don pare, basta pumayag ka lang” sabi nya. “Putek screening baka dadaan pa sila sa apartment mo” sabi ko at tumawa sya. “Pare nagbago na ako ang when I say that please trust me, pumayag ka at ako mag screen sa kanila, pag usapan nalang natin magkano ang ibabayad nila monthly and of course board ang lodging na yan. We will make it cheap, kasi you don’t need the income naman, just enough to pay the bills and the food plus siguro may extra fund for repairs ganon or kung mag abono ka konti siguro naman worth it pare” sabi nya. “Oo nga e, so parang one big family mangyayari pag ganon?” tanong ko at tumawa sya. “Yes pare, parang big brother house at ikaw si Kuya” sabi nya.


“Baka naman panay hostess nanaman kunin mo para lang aliwin nila ako ha, o kaya baka wala itsura parang joke ata to e” sabi ko. “Pare relax, hindi na hostess, ginawa ko lang yon dati kasi gusto kita mabinyagan na. I promise real students ito at don’t worry pare sa tagal natin mag best friend alam ko na ang taste mo sa babae so just say yes and I promise you mag eenjoy ka dito sa old house mo” sabi nya at nagtawanan kami.

“Wag po kuya! Wag po!” biro ko at tawa parin kami ng tawa. “Housemates hubad!” banat nya at sa sobrang lakas ng tawanan namin lumabas si manang kaya natahimik kami. “Senyorito lilipat na po ba kayo dito?” tanong ni manang at ngumiti ako. “Manang opo, pero okay lang ba na gawing kong boarding house ito, titira parin ako dito pero may mga students na makikitira sa atin. Lulutuan niyo sila pero syempre manang ang kikitain ng bahay sa inyo mapupunta” sabi ko at tinignan ako ni Tonio. “Ay senyorito salamat po, sige po pwede po yon” sabi ni manang. “Pare sabi ko nga konti lang kita e” bulong ni Tonio. “Relax pare ako magbabayad kay manang, ikaw naman o para pumayag sya. Di ako marunong magluto at mahirap na makahanap ng katiwala na mabait at mapagkakatiwalaan” bulong ko at ngumiti sya.


“Well Kuya, is it a yes then?” banat ni Tonio at tumawa ako.

“Buksan na ang Bahay ni Kuya!”
Share this article :

TRENDING STORIES!

Live Feed!

Buy A Cup of Coffee for US!
Support Us!

Erotic Sex Story Collection » Erotic Sex Story Collection

 
Support : PopCash | PopAds | Your Link Here!
Copyright © 2009-2016. Mundo Ng Pantasya - All Rights Reserved
Template Published by MNP Template
WebPage By MNP